September 25, 2022 - 8:15:42 pm
dct-logo
Acculturation Week para sa mga guro ng DCT

Ni Lorena Anne Torres / Ang Pahina

Kasabay ng paghahanda ng Dominican College of Tarlac-Senior High School Faculty sa A.Y. 2021-2022 ay sinimulan na rin ang Acculturation Week sa pamamagitan ng team building na idinaos virtually noong ika-apat ng Agosto.


Nagpulong ang mga guro ng DCT sa Zoom meeting bilang unang parte ng Acculturation Week na pinangunahan ng tagapagsalita na si Ms. Laarnie Tolentino ng Tarlac State University.



Nagsama-sama ang mga guro ng DCT sa “getting to know each other” at nasubok ang kanilang pagiging malikhain pagdating sa new-mode learning. 


Nagkaroon naman ng Research Writing sa ikalawang parte ng Acculturation Week na pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Educator at Resident Research Panelist, Arcanghel “Sir Archie” Bañez.


Pinaalalahanan sa ikatlong parte ng Acculturation Week ang SHS Faculty sa DCT Philosophy, Vision, Mission, Goals and Objectives (PVMGO) na isinagawa nina Dominican Priest at DCT Batch 2005 Alumnus Rev. Fr. Hilario Sicat, Jr. OP at Sr. Ma. Alelee M. Masanquee OP. 


Bilang pagtatapos ng Acculturation Week ay nagkaroon ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Anthony George Bergonio, kasama ang mga representatives mula sa Senior High School Department.


“Thriving Together, Stronger than Ever” ang naging tema ng Acculturation Week na matagumpay na naisagawa.

HOMEPAGE
BALITA