June 25, 2022 - 3:49:25 pm
dct-logo
Akala Mo Lang Iyon

Ni: Stephanie Tizon / Ang Pahina

coping-with-depression-a-guide-to-good-treatment-1440x810

Image from https://medicaldialogues.in/topics/second-generation-antiandrogens-and-depression

Sino nga ba naman ako para pakinggan nila diba? Isa lamang akong estudyante na sinasabihan na wala pa raw akong alam sa nangyayare sa mundong ito. Akala ko ba bilang estudyante ay pagaralin ko kung papaano at ano ang nangyayare sa pagikot ng mundong ito. Alam ko may mga responsibilidad din ako dapat gampanin, pero bakit parang hinahadlang ako at tipong mismong mga tao sa paligid ko ang nagpapababa sa aking puso’t isipan. 


Hindi raw totoo ang depresyon? Akala ko ba ito ay isa itong sakit na lubhang kalungkutan at kaguluhan mula sa isipan at damdamin. Mula sa Reeve Foundation (2021), ito ay nakakaapekto sa buong galawan, pagiisip at pakiramdam ng isang tao. Ang ikakalala pa ng depresyon kapag hindi ito naagapan, ay maaaring magdulot ng malubhang resulta, maaaring maisaktan ang sarili, wala na siyang pakialam sa kaniya at higit sa lahat, pagpapakamatay.


May mga iba ring social disorders na ayon sa BetterHealth Gov. Blog, mayroon tayong anxiety disorders na kung saan pumapasok rito ang mga iba’t ibang klasi ng phobias tulad ng claustrophobia at iba pa, lalong lalo na sa madalas na panic attacks at trauma na maaaring makadagdag sa epekto ng pagkakaroon ng anxiety.


Sakop rin ang pagkakaroon ng eating disorders at sirang iskedyul ng pagtulog dahil sa patuloy ng walang gana sa araw araw na aktibidad at ikakasira pa ng katawan. Maaaring magkaroon ng pisikal na sakit at maapektuhan ang pagiisip, muuwi rin sa pagkakarron ng kamalayan sa sariling katawan at ikakadagdag pa ng problema patungo sa kumpiyansa sa sarili.


Marami pang mga sakit ang magkaugnay sa mga nabanggit pero bakit wala pa rin gusto makinig? 


Sabi nga nila, “akala mo lang iyon.” Pero di pala nila alam na patay na pala ako. Bilang isang biktima ng hindi man lang pinakinggan ang aking pakiramdam at mas tinuon pa nila ng pansin ang pagiging “inarte” ko. At ngayon, nakikita ko kayong umiiyak lahat sa harapan ng aking puntod, ako na mismo ang magsasabi sainyong lahat.


Akala niyo lang iyon...


HOMEPAGE
LATHALAIN