June 25, 2022 - 2:45:37 pm
dct-logo
Buwan ng Banal na Santo Rosaryo, muling ginunita

Ni Lorena Anne Torres / Ang Pahina


Hindi napigilan ng pandemya ang pagdiriwang ng Buwan ng Banal na Santo Rosaryo sa Dominican College of Tarlac na idinidaos virtually sa buwan ng Oktubre.


IMG_9396

Despite of the pandemic, it never stopped the Dominikanos in celebrating the Holy Rosary Mass

 Caption by Stehanie Tizon


Nakiisa ang komunidad ng DCT sa pagdiriwang sa unang parte ng Buwan ng Banal na Santo Rosaryo sa pamamagitan ng pagpapakita ng aktibidad sa liturhiko noong ika-pito ng Oktubre.

 

Ginanap ang Banal na Misa sa Bishop J.J. Sison Covered Court, alas siyete ng umaga na pinangunahan ni DCT Chaplain Rev. Fr. Anthony George V. Bergonio. 



Pinangunahan naman ni Executive Vice President Sr. Marisor J. Fabros, OP. ang pagdarasal ng rosaryo, alas otso ng umaga kasama ng mga guro at mga mag-aaral ng DCT. 


Sinasanay ang komunidad ng DCT na kung saan tuwing alas siyete ng umaga ay sinisimulan na ang pagdarasal ng morning offering at rosaryo, angelus tuwing alas dose ng hapon, at panalangin tuwing alas tres ng hapon, maging ang oratio imperata. 


Sinimulan na rin mangolekta ng mga imahe ng altar para sa gagawing mosaic at ang pagdarasal ng 20 decades kasama ang lahat ng mga estudyante at empleyado ng DCT. 


Samantala, sinasabing maglulunsad ng vlog ang DCT Chaplain na si Rev. Fr. Anthony George V. Bergonio na kung saan tampok ang bawat makabuluhang kaganapan sa paggunita ng Buwan ng Banal na Santo Rosaryo.


HOMEPAGE
BALITA