October 1, 2022 - 10:25:18 am
dct-logo
Carlos Yulo kauna-unahang multi-medaled Filipino gymnast

Ni: Kimar Allanic Pineda / Ang Pahina

Carlos-Yulo-world-championships

Image by Kim Kyung-Hoon via https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2021/10/25/202964/olympics-recognizes-carlos-yulos-wins-at-world-championships/

“Ilang beses man madapa’t matalo, patuloy na lalaban ang Pinoy." 


Naiuwi ni Carlos Edriel Yulo ang kaniyang kauna-unahang medalya sa Vault at Parallel Bars sa World Artistic Gymnastics Championships. 


Nagwagi si Carlos Yulo ng gintong medalya sa vault at pilak na medalya naman sa parallel bars ng 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Kitakyushu General Gymnasium, Kitakyushu, Japan noong ika-24 ng Oktubre, 2021. 


Matapos ang disappointing performance nito sa kagaganap lamang na 2020 Tokyo Summer Olympics at pagkatalo nito sa kaniyang main event na floor exercise, hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang inaasam na medalya sa vault at parallel bars. 


Hindi man nadepensahan ni Yulo ang kaniyang titulo sa floor exercise, matatawag parin itong world champion ngunit sa iba namang event. Siya ang kauna-unahang multi-medaled gymnast ng ating bansa sa World Artistic Gymnastics Championship. 


Naging up and down ang naging kapalaran ni 21-year-old Filipino gymnast, Carlos Yulo sa Land of the Rising Sun. Matapos mabigong makakuha ng medalya sa Olympics, kaagad itong naghanda para sa All-Japan Senior & Masters Gymnastics Championship. Nakamit niya ang gintong medalya sa floor exercise at tansong medalya naman sa vault. 


“‘Di ko pa rin naman nakakalimutan ‘yong Olympics. Like palagi ko po siyang nireremind sa sarili ko: ‘Paano ‘pag Olympics bukas?’ Hindi po ako mapanatag na maging ganoon yung performance ko (I still cannot forget about what happened in the Olympics. I would always remind myself: ‘What if the Olympics happens tomorrow?’ I cannot just stand still knowing that I would perform the same way), ani Yulo sa kaniyang nakaraang panayam na ipinalabas ng Radyo Pilipinas 2 sa lingguhang programa ng PSC (Philippine Sports Commission) Hour. 


Noong preliminaries nakuha ni Yulo ang number one place sa qualifiers ng floor exercise kung saan siya ang nakaraang defending champion sa nasabing event na may score na 15.166. Nanguna din ito sa parallel bars na may score na 15.566. Pumangatlo naman siya sa vault na may score na 14.733 sa first attempt at 14.833 naman sa pangalawa nitong attempt, nakakuha si Yulo ng average of 14.808 para sa vault qualifiers event. 


Yung thought po kasi na ‘yon hindi siya maalis sa isip ko. Grabe, natalo po ako sa sarili ko. Ayaw ko nang magkamali, ayaw ko na ng ganoong pagkakamali (I cannot forget those thoughts. I lost against myself. I don’t want to repeat the same mistakes again, I don’t want that),” dagdag niya. 


Nabigong nadepensahan ni Yulo ang kaniyang titulo sa kaniyang favorite event na floor exercise. Nakuha niya ang ika-limang puwesto sa score na 14.566. Si Nicola Bartolini ang nakakuha ng ginto sa floor exercise. Matatandaan na nasa ika-44 lamang na puwesto si Yulo sa kanyang paboritong apparatus sa quadrennial meet. 


Sa finals ng vault, 14.800 ang nakuhang score ni Yulo sa kaniyang first vault. 15.033 naman para sa pangalawang attempt nito para makakuha ng average score na 14.916 at matagumpay nitong naiuwi ang gintong medalya. Pilak na medalya naman ang nakuha ni Hidenobu Yonekura ng Japan na may total score na 14.866 at tanso naman kay Andrey Medvedev ng Israel na may score na 14.649. 


Sa parallel bars naman, 15.300 ang score na nakuha ni Yulo at naging sapat ito para makuha ang silver medal sa nasabing event. Dahil dito, siya ang kauna-unahang multi-medaled Filipino gymnast. Nakuha naman nina Hu Xuwei na may score na 15.466 at Shi Cong na nagtala ng 15.066 na final score na parehong taga China ang gold at bronze medal.


Sa 2022 inaasahang magiging busy si Yulo para sa kaniyang paghahanda sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games nagaganapin sa Vietnam sa Mayo, 19th Hangzhou Asian Games sa China na nakatakdang gawin sa September, 2022, at 51st FIG Artistic Gymnastics World Champ ionships sa England.


HOMEPAGE
ISPORTS