June 25, 2022 - 3:54:57 pm
dct-logo
Choco Mucho, Rebisco bigong nakakuha ng medalya sa Asian Women’s Club Volleyball Championship

Ni: Kimar Allanic Pineda / Ang Pahina


avc_2021_10_07_15_34_38

Image by Asian Volleyball Confederation via https://www.gmanetwork.com/news/sports/volleyball/806093/choco-mucho-bows-to-zhetysu-finishes-sixth-in-asian-club-volleyball-championship/story/

Matapos ang dalawang taong paghihintay, nakabalik na ang Philippine Volleyball sa International stage matapos magpadala ng kinatawan ang ating bansa sa 2021 Asian Women's Club Volleyball Championship (AVC) na ginanap sa Nakhon Ratchasima, Thailand, mula ika-1 hanggang ika-7 ng Oktubre 2021. 


Nabigong makapasok ang dalawang koponan na kumatawan para sa Pilipinas na Chocomucho at Rebisco na makaapsok sa 2021 FIVB Volleyball Women’s Club World Championship na nakatakdang gaganapin sa Ankara, Turkey mula ika-15 hanggang ika-19 ng Disyembre 2021. 


Ang mga manlalaro ng Choco Mucho at Rebisco ay mula sa Philippine Women’s National Volleyball Team. Ang team Rebisco ay pinamunuan ni Association of Southeast Asian Nations(ASEAN) Grand Prix Best Blocker and former De La Salle Lady Spiker, team captain Mary Joy Baron kasama ang veteran players na sina Abigail Maraño, Kim Kianna Dy, Aleona Denise “Dindin” Santiago-Manabat, Rhea Dimaculangan, Jema Galanza at mga young players, Faith Nisperos, Mhicaela Belen, Ivy Keith Lacsina, Jennifer Nierva, Kamille Cal, Bernadette Pepito, Imee Hernandez, at Eya Laure.


Binubuo naman ng 10-man line-up ang team Choco Mucho, sa pamumuno ni Iris Tolenada, Fil-Am Outside Hitters Kalei Mau at Mar-jana Phillips, kasama sina Mylene Paat, Deanna Wong, Ria Meneses, Dell Palomata, Gel Cayuna, Dawn Macandili at Tin Tiamzon. Nagtapos ang koponan ng Choco Mucho sa sixth place mula sa pitong koponan na lumahok sa nasabing torneo. 

 

Balikan natin ang naging kampanya ng Choco Mucho at Rebisco Philippines sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship. 

Unang nakaharap ng Rebisco Philippines ang koponan ng Altay VC mula Kazakhstan, pinataob ng Altay ang Rebisco sa score na 3-0, 25-23, 25-13, at 25-17, pinamunuan ni NU Lady Bulldog, Mhicaela Belen ang koponan ng Rebisco, nagtala ito ng team-high 13 points, mula sa 13 kills. Samantala, gumawa ng 13 points mula sa 12 kills and 1 kill block si Nadiia Kodola para sa team Altay. Hindi nakalaro ang apat manlalaro ng Rebisco dahil sa hindi agarang lumabas ang swab test results ng mga ito. 


Noong ika-2 ng Oktubre, nakalaban ng Rebisco ang Supreme Chonburi mula Thailand, pinamunuan ng Thailand National Team middle blocker and Thai “living legend” Pleumjit Thinkaow ang Supreme Chonburi upang mapataob ang mas batang koponan ng Pilipinas sa score na 3-0, 25-11, 25-16, at 25-16. Gumawa ng 13 points si Pleumjit, mula sa 10 kills at dalawang kill blocks, samantala pinamuan ni Faith Nisperos ang koponan ng Rebisco na nagtala ng eight points, seven kills at isang block point. 


Sa kasunod na araw, nasungkit ng Saipa Tehran mula Iran ang una nitong panalo kontra Rebisco Philippines sa score 3-1, 26-24, 22-25, 25-13, at 25-17. Namuno para sa Iranian team si Ashofteh Mona na kumana ng 26 points, gumawa naman ng 17 points ang veteran opposite player ng Rebisco Philippines na si Dindin Santiago-Manabat ng 17 points, 14 kills, dalawang blocks, at isang service ace. 


Samantala, una namang nakaharap ng Choco Mucho ang host team na Nakhon Ratchasima QminC . Nagtala 20 points si Chatchu-on Moksri mula sa 18 kills, at tig isang service ace at blocks, upang mawalis ang Rebisco, 3-0, 25-11, 28-26, at 25-17. Pinamunuan naman ni Kalei Mau ang Choco Mucho, gumawa ito ng team-high 12 points, 11 attacks and one block.


Sa sumunod na araw, nagapi ng Zhetysu ang Choco Mucho sa score na, 25-22, 25-19, at 25-15. Pinamunuan ni dating Cignal HD Spiker player at dating PSL import, Anastasiya Gurbanova ang Zhetysu mula Kazakhstan na gumana ng 16 kills at three kill blocks. Lumikha ng 11 points si Mau para sa team Rebisco. 


Sa quarterfinals, Nakaharap ng #4 seeded team na Rebisco Philippines ang #1 seeded host team na Nakhon Ratchasima. Minadali ng Nakhon Ratchasima QminC ang Rebisco Philippines para makasecure nito ang ikalawang semifinals slot. Winalis ng no. 2 seeded team na Supreme Chonburi ang no. 3 seeded team na Choco Mucho upang makuha ang third slot sa semifinals. 

 

Sa semifinals for fifth place, nagharap ang dalawang koponan mula Pilipinas na Rebisco at Choco Mucho. Nasilat ng Chocomucho ang una nitong panalo kontra sister team na Rebisco, sa score na 3-1, 22-25, 25-17, 25-19, at 25-17. Naitala ni Kalei Mau ang tournament high score nito 20 points, 19 attacks at one block. Si Nisperos naman namuno sa Rebisco na gumawa ng 12 points. Ito na ang huling laban ng Rebisco Philippines. Nagtapos ang Rebisco Philippines bilang pang pitong pwesto sa pitong koponan. 


Sa muling paghaharap ng Zhetysu at Chocomucho, wagi parin ang koponan ng Zhetysu. 25–14, 25–11, 25–23. Nakamit ng Zhetysu ang 5th place, nagtapos naman ang Chocomucho sa 6th place. 


Nakamit ng Altay VC ang una nitong kampeonato sa nasabing torneo at magiging representative ito ng AVC para sa 2021 FIVB Volleyball Women's Club World Championship. Naiuwi naman ng dalawang team mula Thailand ang silver at bronze medal. Silver medal para sa host team na Nakhon Ratchasima QminC at bronze naman para sa Supreme Chonburi. Samantala, pang-apat naman ang team mula Iran na Saipa Tehran. 

 

Ang Most Valuable Player ng nasabing torneo ay si Sana Anarkulova ng Altay. Best Setter naman ang Thai legend na si Nootsara Tomkom ng Nakhon Ratchasima. Best Outside Spikers naman sina Nadiia Kodola ng Altay VC at Chatchu-on Moksri ng Nakhon Ratchasima. Best Middle Blocker naman sina Pleumjit Thinkaow ng Supreme Chonburi at Pouran Zare ng Saipa Tehran. Itinanghal na Best Opposite Spiker si Kristina Belova ng Altay. Best Libero naman si Madina Beket ng Altay

HOMEPAGE
ISPORTS