September 30, 2022 - 9:09:40 pm
dct-logo
Dance sports; nalalapit na laro sa olympics

Ni: Alyssa Estante / Ang Pahina

Ang pagsayaw ay kinokonsindera na bilang isang isports. Maaaring ito ay maging isang ganap na isports sa Olympics sa hinaharap. Ito ay isang aktibidad kung saan pinag sama ang isports at ang sining ng pagsayaw. 

Ipinapakita dito ang teknikal na kasanayan, interpretasyon ng uri ng sayaw, koreograpiya, pustura ng katawan at tiyempo nito sa musika. Ginanap ang kauna unahang Dancesport sa 2019 Southeast Asian Games sa Pilipinas. Iniraos ito sa Royce Hotel and Casino sa Clark Free Zone, Mabalacat Pampangga. Itinampok narin ito sa World Summer Games sa Abu Dhabi noong Marso 2019, at ito ay naging kilala.
r635509_1296x729_16-9

Image by Kc Cruz via https://www.espn.com/story/_/id/28199105/filipinos-dominate-sea-games-dancesport-competition

Ang isports na ito ay sinasakop lahat ng uri ng pagsayaw, tulad na lamang ng, Street dance at Ballroom na kaakibat ang Hip Hop, Breaking, Locking, Electric Boogie at iba pa. Sa performing arts naman nakapaloob ang Modern, Ballet, Jazz dance, Contemporary at iba pa. Huli naman ang Specialty na may LaBlast at Folk dance. 


Maaari itong isagawa ng may pares o kaya naman ay solo. Maitatanghal pa ito ng matapos ng mahabang kapmpanya ang nakilala din ng International Olympic Committee ang World DanceSport Federation na tinatawag na IDSF dati. Nakilala ito bilang nag-iisang kinatawan sa dancesport, noong Setyembre 5, 1997. Ang pagkilala rito ay naging natatangi sa IDSP.


HOMEPAGE
ISPORTS