June 25, 2022 - 3:08:54 pm
dct-logo
DCT Institutional Organizations, nagbabalik

Ni Aubrey Reine Pamintuan / Ang Pahina

Buhay na buhay muli ang mga mag-aaral ng Dominican College of Tarlac sa pagbubukas ng mga Institutional Organizations noong ika-11 ng Agosto, matapos itong alisin pansamantala noong nakaraang taon dulot ng pandemya, at makabagong learning set-up. 


Ito ay naglalayong bigyan ng opurtunidad ang mga mag-aaral na maipamalas at mahasa ang kanilang mga talento at kakayahan sa labas ng pang akademikong setup. "Masaya po ako na naibalik nila ito muli kasi this is something that I always look forward to every year, especially that this is my last year in high school na po, so I really want to enjoy it,” pahayag ni Ashanti Rivera, isang mag-aaral ng Ika-12 na baitang na dating miyembro ng iba't ibang organisasyon sa Junior High School. 


Pormal na binuksan ang pagpaparehistro sa mga Institutional Organizations gaya ng Dominican Multimedia and Integrated Network Organization (DOMINO), DCT Campus Journalism (Digital Publication) at DCT Student Emergency and Response Team (SERT) mula alas otso ng umaga sa nasabing araw. "Be trained, be prepared, be involved! Be SERT-ified member!" ito ang pagpapaunlak ng SERT Adviser na si Jake D. Miguel kung saan ilang oras pa lamang ang nakalilipas ay halos umabot na sa 200 aplikante ang mga nais makilahok sa DCT-SERT Organization. 


Samantala, umabot naman sa 83 estudyante ang nag sign-up para sa DOMINO Publication Callout matapos ang dalawang araw ng pagbubukas nito. Nagtagal pa ng isang linggo ang pagpaparehistro sa mga nasabing organisasyon upang maisaayos at makahabol pa ang mga estudyanteng nais makilahok.


HOMEPAGE
BALITA