September 25, 2022 - 7:54:17 pm
dct-logo
Father and Jacob

Ni: Cathleen Payumo/ Ang Pahina

Masayahin, mabait, paboritong pagkain ay sisig at mayroong alagang aso. Iilan lamang iyan sa mga katangian na maaari kong ilahad sa karakter na aking ipapakilala. Siya ay nagmula sa masaganang bayan ng Victoria. Labing- pitong taon siya nang pumasok siya sa Seminaryo, nakapagtapos ng pilosopiya at teolohiya. Siya ay naging Orientation Year Director sa isang seminaryo rito sa bayan ng Tarlac at naging College Director ito ng dalawang taon sa parehong institusyon. Ang pag tugon sa bokasyon ay isang malaking gampanin para sa isang tao, at ang naging inspirasyon niya upang maging pari ay ang kanyang tito at ang mga makulay na estolang sinusuot ng mga pari tuwing mayroong misa.


Alam niyo rin ba na lumaki siya sa pamilyang mayroong mga alagang aso na itinuturing nilang parte ng kanilang pamilya? Kaya naman nang mag simula si Father sa kaniyang bokasyon ay hinahanap-hanap na raw niya ang kanyang nakasanayang pag-aalaga. Kaya nang dumating sakanya ang kanyang alaga ngayon ay nakaramdam siya ng saya. 


Malambing, masayahin, (*stress reliever*) makulit at paboritong pagkain ay adobo, iyan ang mga salitang ginamit ni Father upang ilarawan ang kanyang alagang Shih-Tzu na nagngangalang, Jacob. Simula nang dumating si Jacob sa kanyang buhay ay hindi na siya nag-iisa, mayroon na itong nalalambing at kasa-kasama. Si Jacob na minsan ang nagsisilbing alarm clock ni Father, at kapalit ng saya na naibibigay ni Jacob sa kanya ay ang pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya. 


Nais mo na bang makilala kung sino siya? 


Siya si Anthony George Bergonio o kilala bilang Father George, ang nakakamanghang Chaplain Priest ng Dominican College of Tarlac (DCT).


HOMEPAGE
LATHALAIN