October 1, 2022 - 10:50:45 am
dct-logo
Mga Bakuna at Baryante ng COVID-19, Patuloy ang Pag-usbong

Ni: Theoden Thomas Lumapas / Ang Pahina

A nurse holds a phial of the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine at Guy's Hospital in London, Tuesday, Dec. 8, 2020. U.K. health authorities rolled out the first doses of a widely tested and independently reviewed COVID-19 vaccine Tuesday, starting a global immunization program that is expected to gain momentum as more serums win approval. (AP Photo/Frank Augstein, Pool)

Image by Frank Augstein via https://www.npr.org/sections/health-shots/2020/12/12/945288710/what-you-need-to-know-as-the-first-covid-19-vaccine-heads-your-way

Ang umaatikabong kaso ng mga namamatay sa Pilipinas at sa buong mundo sanhi ng COVID-19 ay hindi mapigilan. Ilang mga bakuna na ang ipinakilala at nagsilabasan sa mundo sa pamamagitan ng daan-daang doktor at mananaliksik upang pigilin ang Coronavirus (COVID-19) o kilala rin bilang 2019 Novel Coronavirus na pumatay ng libu-libong buhay sa buong mundo. Dahil sa mga bakuna na ginagamit ng maraming bansa, halo-halong damdamin ang nararanasan ng mamamayan at marami ang nag-aalangang kunin ang mga ito dahil hindi sila magkakatutulad, bagkus marami itong pagkakaiba sa pagitan ng mga sumusunod na bakuna. 


Dahil sa pag-iral ng COVID-19, patuloy itong kinikilala bilang isang pandaigdigang pandemya. Maraming pananaliksik ang nagsasabi na may mga masasamang epekto ang mga variants at mga bakuna  na nagbibigay ng malaking hamon sa mga pasyente. Ang pangangalaga sa kalusugan ang kanilang inuuna subalit hindi nila alam kung ano ang mas makabubuti sa kanilang katawan. 


Ayon sa Food and Drug Administration, mayroong walong bakuna na inaprubahan na ginagamit sa ating bansa. Ito ay ang Pfzer-BioNTech,  Moderna, Gamaleya Sputnik V, Oxford-AstraZeneca,  CoronaVac (Sinovac), Sinopharm, Bharat BioTech, at Johnson and Johnson's Janssen. Sa inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na mga madalas na katanungan ng mga tao, ang Pfizer-BioNTech na bakuna ay inirerekomenda para sa mga taong edad labing 12 pataas. Samakatuwid, Ang Pfizer ay mayroong bisa na 95 porsyento. Subalit, ang bawat tao na mababakunahan ng Pfizer ay nararapat na mabakunahan ng dalawang beses sa loob ng tatlong linggo. Kabilang sa maaaring epekto na maranasan pagkatapos mabakuna ay ang pamumula at pamamaga ng braso, pagod, sakit ng ulo, pagsusuka, lagnat, at pagkahilo. .

Know Your Vaccines as of 02 June 2021

Know more at https://doh.gov.ph/vaccines/know-your-vaccines

Tinalakay ng mga mananaliksik sa Chest Annual Meeting 2021 ang ebolusyon ng mga COVID-19 variants, kung paano makakaapekto ang pag-iral ng mga ito sa mga bakuna. Ang Alpha variant ay unang nakilala sa Great Britain, 40% hanggang 83% ang posibilidad na mahawa at humigit-kumulang 35% dahil mas na nakamamatay kaysa sa orihinal na coronavirus, na walang makabuluhang epekto sa pagka-epektibo ng bakuna. Ang Beta variant naman ay unang natukoy sa South Africa na lubhang nakakahawa ngunit kakaunti lamang ang panganib sa kamatayan kumpara sa orihinal na coronavirus. Ang Lambda Variant, ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020. Noong una, medyo bihira ang mga impeksyon sa Lambda. Gayunpaman, sa mga nakalipas na buwan ang Lambda ay naging nangingibabaw na variant sa Argentina, Chile, at Colombia. At ang Delta variant, na unang nakilala sa India, at ang pangunahing variant sa Estados Unidos. Ang Delta Variant ay mas nakakahawa kaysa sa iba pang mga strain ng virus, kaya ang mga hindi pa nababakunahang tao ay maaari sila ay nanganganib sa sakit na dulot ng COVID-19.


Inaprubahan ng FDA at DOH ang mga bakuna na mayroon ang ating bansa ngayon upang mabakunahan at para matiyak na mababakunahan ang bawat mamamayan ng ating bansa laban sa COVID-19 at iba pang mga COVID-19 Variants. Gayunman, ang pagkakaroon ng mga pag-aatubili sa pagpapabakuna ay maaaring maging hadlang sa pagtitiyak ng kaligtasan ng bawat Pilipino. Lahat ng bakuna ay magkakaiba, at di lahat kayang labanan ito lalo na sa mga variant na patuloy umuusbong at umiiral.  Ngunit ang lahat ng bakuna ay epektibo at nilikha upang masolusyonan ang pandemyang kinakaharap natin sa kasalukuyan.

HOMEPAGE
SIYENSYA