June 25, 2022 - 3:03:45 pm
dct-logo
Nakiusap ang NSAs ng Karagdagang Pondo para sa mga Atleta

Ni: Kimar Allanic Pineda / Ang Pahina

20808

Image by Richard Mandelo viahttps://mb.com.ph/2021/07/26/palace-celebrates-as-hidilyn-diaz-lifts-ph-to-1st-olympic-gold/

Nakamit ni weightlifter Hidilyn Diaz ang tagumpay sa ginanap na Olympics sa Tokyo, Japan noong ika- 26 ng Hulyo, 2021. Matapos nito, ibinahagi din ng MalacaƱang na hindi naging sapat ang pondo mula sa gobyerno para sa mga atleta.


Nasungkit ni weightlifter Diaz ang pilak na medalya sa Zamboanga, gintong medalya naman mula sa 2018 Asian Games. Sa kabila ng naging hadlang na kulang na badyet, umani pa din ng tatlong medalyang pilak sa ginanap na Asian Weightlifting Championship. 

 

Naniwala ang MalacaƱang sa pinakitang determininasyon at matinding pagsasanay ni Diaz na kanyang naging puhunan. Ang sinimulang aksyon ay sapat na dahilan upang taasan ang pondo para sa isports. 

 

Kinakailangan pa din ang pondo Mula sa gobyerno at pribadong sektor, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham "Bambol" Tolentino noong linggo, sa kanilang Press Conference. Para ito sa pagpapabuti ng pagtatanghal ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na 2024 Paris Games. 

 

Ang preparasyon sa loob ng (2016-2021) ng Olympic, ang Philippine Sports Commission (PSC) ay gumastos ng higit pa sa 2 bilyong piso para suportahan ng pribadong sektor ang NSAs (National Sports Associations') at ang mga atleta ng sobra-sobra pang pondo. 

psc_2021_11_23_21_31_23

Image from https://www.gmanetwork.com/news/sports/othersports/811991/psc-vows-to-act-on-ej-obiena-patafa-issue/story/

"We were able to show the real power of the Filipinos. We discovered that we can actually win [medals]," sambit ni Tolentino sa kanilang Press Conference na ginanap noong linggo. 

 

Ayon kay Tolentino, pagkatapos mapasakamay ang pinakamabuting medalyang mga natanggap sa ginanap na Olympiad noong 1924, "We finally broke the drought." Sinundan pa nila boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial na may kabuuang apat na medalya. "As long as our program and support continue, then we can repeat it in Paris. We might even surpass it with the talents we have." Dagdag nito. 

 

Handa na ang badyet ng PSC para sa 2022 talakdaan ng isports at sa karagdagang suporta mula sa kapulungan ng mga kinatawan at senado. Dahil nangyayari lang ang apat na pangunahing kaganapan ng isa sa apat na taon, sinisigurado ni Tolentino na sila ay makakalaban na may buong pwersa. Nakatanggap na ng P5.12 bilyong pondo ang NSAs mula sa PSC noong nakaraang dekada. Hindi inaasahan ng PSC na magkakaroon ng kakulangan sa pondo dahil sa pandemya kaya kailangang umangkop



HOMEPAGE
ISPORTS