September 25, 2022 - 8:29:25 pm
dct-logo
Nilikha ang kauna unahang gintong medalya Ng pilipinas sa gymnast

Ni: Alyssa Estante / Ang Pahina

Carlos-Yulo-world-championships

Image by Kim Kyung-Hoon via https://interaksyon.philstar.com/trends-spotlights/2021/10/25/202964/olympics-recognizes-carlos-yulos-wins-at-world-championships/

Dugong pinoy na nananalaytay; ipinamalas ni Carlos Yulo ang kanyang natatanging galing sa kanyang larangan. Hinangaan ng lahat ang kanyang ipinamalas na husay, na nag resulta sa pagkamit na gintong medalya. Ito’y nagmarka sa kasaysayan sa ating bansa. 

Matapos itong maghusay ng ilang taon sa Tokyo, Japan sa tulong ng kanyang taga ensayo na Japanese, na si Munehiro Kugimaya. Ito ang kauna unahang gintong medalya sa larangan ng gymnast na nasungkit ni Carlos Yulo. Pinuri at pinasalamatan ito ng mga Pilipino. Naging mahaba ang proseso nito bago niya nakamit ang gintong parangal. Noong 2016 ay tinanggap ni Yulo ang alok ng Japan Olympic Association, para magensayo sa Japan, sa ilalim ng iskolar na programa. 

Nang lumahok ito sa 2018 World Artistic Gymnastics Championship sa Doha, ay nag sumulong agad ito sa all-around at floor exercise finals. Nasungkit nito ang tansong medalya. Naging dahilan ng kanyang pagiging kauna unahang lalaking Filipino, sa Southeast Asian gymnast na makakuha ng medalya sa championship. 
t0gnk647xs8pq0eo5ald

Image by Getty Images via https://olympics.com/en/news/carlos-yulo-kohei-uchimura-angelina-melnikova-2021-world-gymnastics

Kasunod nito ang paglahok niya sa 2019 World Artistic Gymnastics Championship sa Stuttgart. Inangkin ni Yulo ang ginto sa floor exercise finals, sa pagsulong nito sa final round ng all-around event; Yulo sinigurado ang kwalipikasyon nito para sa pakikilahok sa 2020 Summer Olympics in Tokyo para sa Pilipinas. 

Ito ay isang makasaysayang marka ang iniwan nito sa bansang Pilipinas. Bago makamit ang inaasam na tagumpay, ay kailangan munang tahakin ang mga pagsubok na magiging daan sa pagkamit ng parangal

HOMEPAGE
ISPORTS