Ni: Alyssa Estante / Ang Pahina

Image by Ashley Landis via https://bleacherreport.com/articles/10015632-simone-biles-still-scared-to-do-gymnastics-after-twisties-at-tokyo-olympics
Isang 24-year-old na American artistic gymnast, na naghakot ng parangal at tinagurian bilang “The Most Decorated Gymnast.” Unang sinubukan ni Biles ang gysnmastic noong siya ay nasa ika-anim na baitang, habang nasa day-care filedtrip. Nag-umpisa ang kanyang karera sa edad na 14 sa 2011 American Classic sa Houston.
Nakamit nito ang pangatlong puwesto sa all-around. Ika-unang puwesto naman sa vault at balance beam, pang apat sa floor exercise at pang walo sa uneven bars. Pagkatapos ng buwan na iyon ay sumabak uli ito sa 2011 U.S Classic in Chicago, Illinois kung saan nakamit niya ang ika-20 sa all-around, ika-5 sa balance beam at floor exercise. Simula sa taong iyon ay nagtuloy-tuloy na ang pagsali ni Biles sa mga kompetisyon.
Sa sunod-sunod na pagka panalo nito ay patuloy ipinakita ang nakakamangha nitong talento at galling sa gymnast. Nakamit nito ang kanyang ika-16 na pagkapanalo sa world championship gold medal, at pang lima sa all-around title sa Stuttgart. Sa ngayon ay hawak na ni Biles and record bilang Most Decorated Woman sa World Championship history. Ang bente kwatro anyos na si Biles ay nakamit na ang kanyang ika-22 na world medal.
Noong Disyembre 2015 ay pinangalanan siya bilang Team USA Female Olympic Athlete of the year. Napili siya bilang isa sa mga BCC’s 100 Women, at pagkatapos ng world championship ay, napabilang siya sa ESPNW’s Impact 25, at napili bilang Sportswoman of the Year by the Women’s Sports Foundation.
Hindi ito nabigong ipamalas ang kanyang natatanging galling sa isport na ito. Patuloy parin ang paghakot nito ng mga parangal at paggawa ng mga bagong record na mailalagay sa kasaysayan ng sports.