June 25, 2022 - 3:48:52 pm
dct-logo
Sir Sonny bilang isang Guest Contestant

Nina: Lorenna Anne Torres at Nishin Pacifico / Ang Pahina

Mr. Feliciano Mungcal III

Sir Feliciano Tolentino Mungcal III o mas kilala bilang “Sir Sonny” isa sa mga guro ng Dominican College of Tarlac ay inimbitahan ng St. Paul National Bible Quiz bilang guest contestant sa kanilang segment na “Faith or Fake” sa Facebook Live noong ika-2 ng Oktubre, alas diyes ng umaga.


Lumahok ang kasalukuyang Theology Facilitator at Corporate Affairs Officer na si Sir Sonny sa ika-27 na episode ng programa ang "Celebrity Fact o Bluff" sa pangunguna ni Cl. Ian Gabriel Ceblano, SSP. 


Sa kabilang banda, naroon rin ang mga St. Paul National Bible Quiz (SPNBQ) Tutors na sina Rev. Fr. Micha Miguel Competente, SSP, Rev. Fr. Oliver Par, SSP, at Rev. Fr. Ruben Areño SSP na tumulong at mas ginawang kapana-panabik ang laro.

244179414_2056584911158236_3772174938826314162_n

“Ngayon kasi asa introduction na kami ng Bible, so kumbaga parang nakakapressure on my part kasi tinuturo ko yung mga Biblical stories sa mga bata. Then, I was invited in this game show, so sana hopefully makasabay ako sa game show na ‘to.” Sambit ni Sir Sonny bilang kanyang panimulang salita. 


Samantala, nakasagot si Sir Sonny ng apat sa limang tanong sa unang round at anim sa pitong tanong sa huling round na kung saan nakatanggap siya ng mga freebies mula sa St. Paul's Bookstore. 


Sinasabing nasa ilalim ang naturang segment ng isang internasyonal na relihiyosong kongregasyon ang Society of St. Paul na nagsisilbing tagapagtaguyod at tagapagpalaganap ng evangelization sa mundo. Layunin rin ng programa ay hindi lamang ang magbahagi ng mga impormasyon tungkol sa Bibliya kundi pagsasabuhay ng Gospel sa ating mga buhay.

HOMEPAGE
BALITA