Cathleen Payumo
Buwan ng Agosto, buwan ng Wikang Filipino. Paggising sa umaga ay masarap humigop ng mainit na kape habang nagbabasa, nakasaad sa dyaryong aking binabasa na dito sa Pilipinas, sa tuwing sasapit ang Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang pagdiriwang ng mga Pilipino sa ganitong uri ng selebrasyon ay nakabatay mula sa nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos—Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997 na nagsasaad na ang Agosto ay ikinokonsidera bilang Buwan ng Wikang Pambansa at Nasyonalismo.