Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang bawat Pilipino ay may mga karapatang tinatamasa. Isa sa mga karapatan na ito ay ang pumili kung sino ang nais nilang iboto na mamumuno sa kanilang bansa. Ang mga ganitong usapin ay tunay ngang matunog sapagkat nakasalalay dito ang magiging hinaharap ng bansang Pilipinas.