PAMPANITIKAN
#DominEncounters
Cire Angelo B. Diaz
Nag-didilim na. Alas-singko nang unti-unting nababawasan ang mga estudyante rito sa eskuwelahan kung saan ako nagtatrabaho. Sa pagtayo ‘ko galing sa aking upuan sa harap ng gate, may dumaan na estudyanteng babae. “Saan po ang C.R dito?” tanong nito. Ang aking mukha’y nabahiran ng pagtataka sa kadahilanang halos lahat ng estudyante rito ay alam na ang mga palikuran dito. “Dumiretso ka roon sa St. Dominic Bldg, akyat ka mula roon at makikita mo na ang palikuran,” sambit ko.
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. “Salamat po!” ika niya at tumakbo na ito papunta sa bldg na tinutukoy ko.
Alas-sais na. Naghanda na ako at kinuha ang lente sa aking kaharapan at sinindi ito.
Oras na para mag-ikot at siguraduhing wala ng tao.
Ang dilim. Wala akong makita kung hindi ang ilaw na nanggagaling sa aking lente.
St. Dominic Bldg. Binabalot ng katahimikan ang buong gusali na ito. Sa pagpatuloy ko sa aking paglalakad ay may narinig akong kaluskos galing sa isang palikuran.
Napa-tigil ako sa paglalakad. Tinitigan ko ang pintuan.
Naka-bukas ito. Nandito pa ba ang estudyanteng babae kanina na nag-paalam mag palikuran? Kumatok ako sa pintuan at nagtanong, “May tao pa ba diyan?”. Pagkalipas ng ilang segundo, wala pa rin akong natanggap na sagot. “Papasok na ako.” sambit ko. Sa pagpasok ko ay…
Walang tao. Patay lahat ang ilaw. Nakasara lahat ng kubikulo… maliban sa isa sa pinaka-dulo. Nilapitan ko ito nang may halong kaba sa aking dibdib. Dahan dahan hanggang sa makarating na ako sa harap nito. Binaba ko ang aking tingin sa ilalim ng kubikulo.
Napa-buntong hininga ako nang makitang nandito pa nga siya. Ang babaeng estudyante kanina.
“Iha, gabi na. Kailangan mo na umuwi. Hinahanap ka na ng mga magulang mo niyan. Halika, hatid na kita sa labas.” sambit ko.
Subalit, hindi gumagalaw ang kaniyang mga paa. Naka-harap pa rin sa akin.
“Iha?”, tanong ko.
“Ayos ka lang ba diyan?” Binuksan ko ng kakaunti ang kubikulo. Laking gulat ko... bakit…
Walang tao?
Nasaan siya? Hinanap ko siya ngunit wala ni isang bakas niya.
Guni-guni ko lang siguro. Handa na akong umalis nang…
Bumukas ang gripo ng tubig. Mag-isa.
Nangilabot ako. Kasabay noon ay isang boses ang nangibabaw… isang batang babaeng kumakanta…
“Ili Ili Tulog Anay, Wala Diri Imong Nanay…”
Tumaas lahat ng balahibo ko sa aking katawan habang naka-tingin sa labas. Hindi ko na ito pinatapos at umalis na ako!
Tumakbo ako patungo sa chapel ng Dominican College of Tarlac (DCT). Nag-dasal ako. Habang nagdarasal, nararamdaman ko ang mga matang naka-tingin sa akin. Tila ba na sa gilid ko siya at naka-tingin sa akin habang hawak hawak ang rosaryo.
Sa pagbukas ko ng aking mga mata ay… walang tao sa gilid ko.
Nagpakawala muli ako ng isang buntong-hininga. Sa pagtayo ko sa upuan ay may nakita akong naka-itim na nakayuko sa gilid.
Madreng naka-itim.
“Madam, ano po ginagaw--”
Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang ulo. Naka-tingin sa akin at… ngumiti?
Kinilabutan ako! Hindi ko na alam ang mga nangyayari kaya umalis na ako agad!
-Kinabukasan-
Sa pagpasok ko sa eskuwelahan, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyaring kababalaghan kagabi. Subalit, may grupo ng mga estudyante ang nag-uusap ng mataimtim sa gilid.
“Huy, alam niyo na ba? May na-aksidenteng babae kahapon malapit sa DCT. Usap-usapan din daw na yung babae na iyon ay nag-aaral din dito kaya ingat kayo, baka makita niyo siya sa paligid ligid.”
Itinayong Pangarap, Makakamit Ba Kita?
“TAOSILOG”
Sa kahon ng kahapon
BAYBAYIN: DAPAT PA BANG PAG-ARALAN?
Ang baybayin ay sinaunang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino. Isa ito sa mga kulturang inihandog satin ng ating mga ninuno na dapat nating ipagmalaki. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti itong binabaon sa limot ang nakagawian dahil sa impluwensiya ng mga bansang sumakop sa atin noon. Ang baybayin ay isang pamamaran ng pagsulat na malikhain, ito’y nagbibigay atensyon sa mga estudyante sa panahon ngayon.
Dapat itong pag-aralan. Ang baybayin ang magbabalik-loob sa mga tao sa kulturang nakasanayan. Maliban rito, mas magiging hitik ang ating kultura dahil maaaring idagdag ito sa yaman ng bansa. Ito rin ang magbibigay pagkilala sa bansa, na isang sabi lamang ng baybayin, mga Pilipino na agad ang papasok sa kanilang isipan.
Muling isinusulong sa Kamara ang House Bill 1022 o ang panukalang gawing National System of Writing ang baybayin. Isinusulong din na ipasok ito sa curriculum ng mga paaralan. Nakapaloob rin dito na ito ay gagamitin sa mga produkto, LGU, mga pahina at sa gobyerno. Kasabay ng pagsulong nito ay ang pag-usbong ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagsulat tulad ng: Calligraphy, Hangul, jeje, at iba pa. Dahil dito nakatawag-atensiyon ito sa mga kabataan na muling ibalik ang pagsusulat ng baybayin na magbabalik karangalan sa kulturang pinaghirapan ng ating mga ninuno.
Habang umuusbong ang Pilipinas ay ang unti-unting pag lubog ng mga kulturang ipinamana saatin ng ating mga ninuno, isa na rito ang pagsulat ng baybayin. Sa halip na baybayin ang pinag-aaralan ng mga estudyante ay ang mga hangul na impluwensya ng mga Koreano na pumukaw sa atensyon ng mga Pilipino. Kaya’t ninanais ni Rep. Leopoldo Bataoil na muling isulong ang pagsusulat ng baybayin. Ito ang magbibigay pagkilala at pagpapahalaga sa sariling atin, na tayong mga Pilipino ay may isang uri ng pagsulat bago dumating ang mga mananakop na mga banyaga.
Maraming mga estudyante ang nagnanais na ibalik ito sa kadahilanang gusto nilang matuto at maranasan kung paano ang sistema ng pagsulat ng kanilang mga ninuno. Isa pa ay magbibigay ito ng inspirasyon na tangkilikin ang sarili nating kultura dahil ito ang magiging pamantayan natin sa pagiging tunay na Pilipino.
Magbibigay itong paaala sa yaman ng ating bansa, bibigyang muling kulay ang mga sulat ng nakaraan at bubuhayin ang pagkakakilanlan ng Pilipino. Kung nagawa nating matuto ng iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat, magagawa rin natin iukit ang sariling atin. Panahon na para muling gisingin ang natutulog na damdamin nating pagka-Pilipino. Unti-unting ibabalik ang kasaysayan at mabibigay muli ng kulay sa binaong yaman ng bansa.